Thursday, October 30, 2008

testing, testing, mic testing. is this thing on?

OH WOW! sarap naman. bagong bago...amoy plastic pa =p

sa wakas meron nakong website.

aba aba, maraming pwedeng gawin dito...hmmmm....

malamang sa multiply pa din ako mag BLOG mismo...kasi may stars dun e...ang aking precious reviews, kawawa naman ung 6 readers ko, baka hindi na nila malaman kung san na ko nagsusulat if ever.


ayun.


nanghinayang na rin sa adsense. aba aba bariya man, sa kalaunan, makakapuno din ng alkansya. pero bukod dun, sa tingin ko talaga eto na ang avenue ng ultra stardom na pinapangarap ko. gusto ko lang naman maging guest sa isang prominenteng TV talk show.

tama. yan ang gagawin kong goal bilang isang blogero. ang ma-imbitahan sa isang local talk show na prominente at sinusubaybayan ng libo libong (or milyon milyon na ba?) lola sa buong pinas.

nararamdaman ko na.

balang araw magkikita din tayo sa personal kris aquino.


at sa harap ng lahat ng pilipino...


maglalabas ako ng 500php at sasabihin sayong:






"KRIS, kamukha ni baby james ang lolo nya."

0 comments:

Useless Knowledge