Sunday, November 16, 2008

sabon, bibingka, hindi pagkakaunawaan, at kasiyahan

yan ang highlights ng araw ko.

pero gaya nga ng niyayabang ko lagi sa mga tao, hindi ako ganun mag blog...

hindi ako nagbblog nung tipong ikekwento mo ung nangyari sa araw mo.
no opens, pero i think thats a bit lame =p

anyway,

so narealize ko lang kaninag umaga na madami talagang pwedeng pagkakitaan dito sa pinas. sa lung center nga may tiangge. imagine, lung center un, pero sa tiangge e may makikita kang mga allergy inducing animals for sale, maraming kung ano anong dumi at alikabok, andaming tao na pwedeng manghawa, or makahawa ng airborne diseases. praning mode lang.

e ayun nga, ok naman, hindi tayo maghihirap kung didiskarte tayo ng malupit. andami kong kilalang tao na magaling lang magsalita, magaling magplano, magaling magisip ng mga bagay na kikita daw, or titiba daw, pero hindi naman nangyayari. ewan ko, pero its either nagago nya ako, or sadyang wala lang din talaga siyang balls to back up his claims. nakakalungkot isipin na alam na niya lahat ng mga dapat gawin, mga alituntuning dapat sundin, pero pinipili nya pa ring maging isang daga.

ewan.

aysus. naisip ko din, mas ok talaga yung mga taong action man. unlike sa isang taong sobrang talino o skilled nga, pero wala namang WILL to act, ang isang action man ay hindi naghihintay ng pagkukusa ng ibang tao para simulang gawin ang mga bagay na gusto nyang gawin. hindi na nya kelangan ng kasama para lang makagawa ng mga bagay na naiisip nya.

ang action may ay ang mga tao na mabibilis ang utak at may kakaibang (at di hamak na mas may silbing) talino sa buhay. sila yung mga tipong tao na may ipagmamalaki pero hindi nagmamalaki. alam nila kung ano ang sinasabi nila at sila'y naninidigan sa mga sinasabi nila, mabilis magisip pero maingat.

nakakapanghinayang tuloy yung ibang mga taong kilala ko, brimming with potential pero laglag naman sa silya sa kawalan ng street smarts.

sabi ko nga kay pareng vinz, nakakatawa talagang isipin na minsan kung sino pa yung mga hindi mo inaasahang magtatagumpay, sila pa pala yung mag-e-excel. sila pa yung mga action men. astig.

so anyway, sa kamalasan nga naman ng buhay ko e nagkataon pa na may bumanat dun sa itinabi kong bibingka sa ref. walangya ka kung sino ka man BIBINGKA-SA-REF-EATER!

wala na nga pala ung ban ko sa DPP. natauhan na sila =p

tapos onga pala, inaway ko nanaman ung tatay ko, tapos di nanaman ako sumama nung nagyaya yung nanay ko. gago ko talaga minsan.

anyway, what's done is done.



at masaya naman kaya ok na un ^__^



sa susunod na post ko aayusin ko na. parang wlang sense tong ngayon e.

0 comments:

Useless Knowledge