Tuesday, January 27, 2009

hi,, im alex gervacio, and im a sinner

Ang blog na ito ay mejo serious, ang tumawa panget =p

May mga sarili akong dahilan kung bakit di ako madalas magsimba. Mejo di ko na lang babanggitin para walang makipagtalo saken dahil sigurado magiging chatroom nanaman ang post ko pag pinagusapan natin ang aking ultrafavorite debate topic, ang relehiyon =p

Let us agree to disagree =)

Let us continue. May iilang instances na natuwa ako sa misa. Naalala ko nung bata pa ko e sa simbahan ko lang nakikita ung ultra kras ko kaya twing sunday e 6am pa lang nakagayak nako khit 9 pa ang misa. Nasanay din ako sa misa sa marist dahil twing may feast day e may misa sa skool at twing first friday din.

Noon e normal sunday activity lang ang tingin ko sa pagsisimba, no big deal, hindi malaking isyu.

Pero gaya ng karamihan e dumating ang panahon sa buhay ko na tinanong ko ang sarili ko kung ano nga ba ang silbi ng pagsisimba.

Pero hindi nga pala ito ang point.

Napa-blog ako dahil natuwa ako sa homily.

Kwento ni pader: may nanay daw sa sickbed, naghihingalo, pinuntahan nya at after mabigyan ng last rites, nalagutan na agad ng hininga. Kumbaga e buzzer beater. Mala jordan ung timing ni pader.

Parang ordinaryong kwento lang e no? Pero cheery kasi ung pagkakadeliver ni padre sa kwento nya.

Sabagay nakaktuwa nga naman. Inabutan nya ung naghihingalo. Nakapagkumpisal pa bago namatay.

Pero iniisip ko, ganun na lang ba un?

Is salvation just the right sacrament at the right time?

Kasalanan daw ang hindi pagsisimba twing linggo. Hindi naman dba? Ang sabi e "honor the Lord's day". Mejo vague kung iisipin, pero malinaw naman na sinabing hindi kasalanan ang wag magsimba. Mejo tunog gumagawa ng excuse pero may point dba?

Naalala ko tuloy ung movie na stigmata. Napupuspos ng holy spirit ung bidang babae. Divine possession ika nga. Ang message kasi na pinapa convey kya siya sinapian ay tungkol sa CHURCH. Parang ang concept ay hindi mo kailangan ang doktrina ng simbahan kung maayos ang pamumuhay mo.

Naisip ko tuloy, kung may isang tao na nagsisimba araw araw pero grabe naman mangloko ng tao, at may isang taong hindi nagsisimba pero maayos makitungo sa kapwa, sino sa kanila ang maliligtas?

Naalala ko ung isang lumang post ko, kung ang motivation mo sa pagpapaka relehiyoso ay dahil takot kang masunog sa impyerno at hindi dahil sa iyon ang tamang gawin, maliligtas ka ba?

Pag inamin mo sa pari na nagkasala ka, ok na ba un? Ilang oras o araw bago mo maulit ung mga bagay na kinumpisal mo? Eto ba ung silbi nung tanong na : "when was ur last confession?"

Valid ba ang kumpisaltext?
E ang kumpiscall?
E ang kumpis-email?
Kumpischat?

Pano pag sising sisi ka na sa kasalanan mo kaso natrap ka mag-isa sa nasusunog na kwarto?

Valid ba ang dumirekta na lang sa Diyos kung wala talagang pari? oh-so-many loopholes.

Shempre walang makakapagsabi kung ano nga ba ang tama.


Basta ako, i shall go to mass when i am ready, when its not just something i should do, but rather something that i wholeheartedly WANT to do

No comments: