Tuesday, January 27, 2009

WIJW 01 - What If Jesus Was...born in the 80s

[warning : ang nilalaman ng mga blogs sa series na ito ay hindi mababasa ni JESUS. (pero shempre alam nya pa rin ung laman kasi omniscient siya, pero im sure oks lang sa kanya na magkaron tayo ng mga opinyon) Kung si Jesus nga hindi ma-o-offend sa posts ko tungkol sa kanya, ano ang karapatan mo para ma-offend?! kaya kung opensib it sa panlasa mo, SUCK IT UP. ok? =p apir!]

let us begin.


AYOOOOOOOOOOOOON.

sige sige. gagawa ako ng malufet na series ng blog tungkol sa aking paboritong celebrity na si Jesus.

hops, may mga kinabahan. nope, hindi ako antichrist, at hindi din ako blasphemous worm. hindi ako non-believer, hindi rin ako taga ibang relehiyon. isa akong kristiyano na may mga kakaibang naiisip lang tungkol kay Jesus.

so game.


kung pinanganak si Jesus ng 1980, mas matanda lang siya sakin ng 5 yrs.

kaso israeli siya, so malabong magkita kami in my lifetime, unless maisip nyang mag migrate dito sa Pinas, tapos nag canvass siya ng HOUSE & LOT, tapos sakin sya bumili.

o kaya kung naging photographer sya tas nakita nya sa multiply ung papitik pitik shirt na binebenta ko.

nakakatuwa ung mga daliri ko, automatic na sa kanila na mag type ng mga nasa isip ko. kaso kanina sinulat ko yung "SYA" referring to JESUS, parang ung utak ko:

utak: uhm, guys (talking to fingers), may nakalimutan ata tayong gawin.
fingers: **huddle -- anong nakalimutan natin? ung capitalization yata
utak: yep, un nga, when referring to GOD, or JESUS, diba dapat kapital letter sa pronoun?
fingers: alltogether: YES!
utak: ....oh...kay.......hyper ammangapota.

so ayun, dapat daw pag si Jesus ang tinutukoy, capitalized ang pronoun.

balik tayo.

ano kaya ang opinyon ni JEsus sa mga kanta ni MARILYN MANSON?
siguro pag nakita nya ung bible, sasabihin lang Nya: "tsss...memorized"

pano pag na-holdap si Jesus sa recto?

holdaper: Holdap to! akin na pera mo!
Jesus: son, wala akong pera, tinapay gusto mo? **picks up a rock
H: wah! papalag ka ha! UHM!!! **sinaksak sa tagiliran si Jesus
J: ouch man! **water pours out
H: woah! astig pare tubig! =p


magiging sikat kaya si Jesus sa panahon natin? siguro milyones ang mag-c-click sa adsense nya araw araw kung naging blogger siya.

kaso baka super serious religious topics ang isulat nya. booooooring. pero siguro naman hindi rin.

Jesus at 28, hmmm....sino kayang paborito nyang author? matutuwa kaya sya sa ANGELS and DEMONS / DA VINCI CODE?

J: astig tong Da Vinci Code a....nalaman pala nilang naging kami ni Marj (mary magdalene)


pero seryoso na.

kung ngayon siya nabuhay, maiisip pa kaya nyang mangligtas? kasi baka ma-distract sya...hindi kaya? kinilabutan ako sa thought na yun....

matutuwa kaya sya sa CONSTANTINE?

kanino tayo magdadasal kung buhay pa siya ngayon? sabagay ako naman rekta na rin kay God kasi Sya din naman un e...so no problems in that department.


andami kong gustong itanong at mas marami akong naiisip na nakakatawang bagay, pero ang gusto ko lang talagang malaman e ito....

kung generation kaya natin ang naging setting ng buhay nya, ipapapako din kaya natin sya?

even worse, would we even give a damn?


so bilis ng info, sa bilig ng takbo ng buhay ngayon, sa dami ng ginagawa ng mga tao, at sa dami na rin ng mga scam, mga issues na sumulpot at nawala, alam pa ba ng henerasyon natin kung aling mga bagay ang DAPAT bigyan ng PANSIN?



mapapansin kaya natin kung dumating na ang MESSIAH?






sabagay, pwede naman abangan na lang sa YOUTUBE.



YOUTUBE SEARCH : the+messiah+has+come+?+di+nga+?+ows+?



1 comment:

Gamz said...

ayos ang blog mo tol ha...my mga spiritual blogs din ako sa spiritual categories ko..pero hindi ko mainput site ko eh.baka akalain spam..hehe...kay blogspot ko n lng.hope to read more sa mga blogs mo...God Bless!