nagmumuni muni ako ng konti netong mga ilang araw na nakaraan. iniisip ko kasi kung may karapatan ba kong tawagin ang sarili ko na mabait.
shempre, dahil ako ito, at dahil ako ang sumusulat ng blog na ito, pwede ko agad sabihin na oo, isa akong mabait na tao
pinaglihi sa santo, mas charitable pa kaysa kay charito solis, mas makatao pa kay obama, mas gwapo kesa kay brad pitt, mas mabait pa kesa kay pope.
pero dahil biased ang opinion ko, gusto kong magpa-sarvey sa lahat ng kakilala ko tungkol sa bagay na ito.
sa tingin ko naman e hindi naman ako kasing sama ni satanas, mejo may critical eye ako, (hindi mapanlait, critical eye, may difference un e hahaha), matulungin naman ako sa tingin ko, di naman ako nananaksak ng walang dahilan, tumatanaw naman ako ng utang na loob, mahal ko ang mga tunay kong kaibigan, mejo maingat ako sa pagtitiwala, mapaghinala ako pero konti lang, kupal ako kapag kelangang maging kupal.
e basta.
boto na! ^__^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment