Sunday, March 8, 2009

regalo wishlist.

eto na ang pinaka-aabangan ng lahat! (ako lang ata ang excited)

e ayon, so ililista ko dito ung mga trip ko talagang items.
gastusan nyo ko. hahahahaha =p

paki salpak na lang sa comments kung anong ireregalo nyo mula sa list na ito para walang ma-doble hahaha =p
  1. Silver na ISUZU d-Max - ayoko ng pilosopong matchbox ha. ayoko din ng emblem ng d-max, gusto ko ung TOTOONG KOTSE. ang taong makapipilit sa mga magulang ko na tuparin ang pangarap nilang D-max sakin ay makakatanggap ng prize tsaka dalawang buwan ng pasasalamat.
  2. Bonsai Plant - maliit lang naman ung gusto ko, tipong pang kwarto lang, pang mesa sa kwarto lang. basta maganda at ma-peaceful ang itsura, swak na sakin un
  3. Carpa Fish / Ninja Turtles - para sa ampid, ung carpa e mga 5-20 pcs ang kelangan ko kaya pwede kayo magusapusap na bigyan ako ng Carpa Barkada package. ganun din sa pagongs =)
  4. Librong sinulat ni AMY HEMPEL - sia ung idol ni chuck palahniuk, ang idol ko, so super idol ko si amy hempel. good luck sa national bookstore, fully booked, powerbooks, at a different bookstore, kahit saang branch ng kahit alin jan ay WALANG GANUN. ang solusyon? e-bay. pero ur more than welcome to hunt =p any book by amy hempel. pero may gold star ka pag naikuha mo ko nung collection nya ng short stories, bibilhin ko sayo ung libro =p
  5. Librong nabasa mo na natuwa ka talaga at sa tingin mo e magugustuhan ko - hindi pa ko naregaluhan ng libro kahit kelan, bihira na lang kasi ung mga kilala ko na mahilig magbasa ng libro. pero parang awa nyo na wag nyo kong bibigyan ng TWILIGHT series na libro tsaka PAULO COEHLO, ipang iihaw ko na bangus yan sa harap mo ^__^
  6. Isang bote ng ABSOLUT VANILLA o better yet, PEACH SCHNAPPS - napakasarap nyan! simple lang ang halo, sprite + schanpps = heaven. tsaka makikinabang ka din naman dito =p
  7. camera bag/holster - eto ung bag na ang kasya lang talaga e ung camera, para lang may lalagyanan ako kapag camera lang ang dala, hassle kasi ung backpack
  8. minolta prime lens 50mm f/1.8 (ok din ung f/1.4 shempre!) - kung may extra kang tatlong libo at napadaan ka ng hidalgo, bili mo ko! ikaliligaya ko talaga yon =p
  9. out of stock na Girbaud sneakers, white na may eyelet ng lace pero laceless - kung matsambahan mo ito sa girbaud, size 11, phase out na raw kasi pero talagang gusto ko itong sapatos na to, 1k lang, kung makakita ka, kahit bilhin ko sayo =p AYOKO NG 2ND HAND na SAPATOS. hahaha =p
  10. buyer ng bahay - oo regaluhan nyo ko ng clients, para nyo na rin akong niregaluhan ng cold cash, at may 20k ka pa sakin! ^___^
  11. MS Zune mp3 player (250 gig) - ok din ito, kasi ung ipod ko puno na hahhaa =p tsaka para di ko na bilhin sa SG =p
  12. board shorts - para sa summer hahaha =p
  13. office supplie set - yung kumpleto ha, may stapler, ballpens (standard tecno), lapises, pantasa, pambura, liquid paper etc
  14. Parker signpen - ung cylindrical ha, hindi ung tapering =p tas papa-engrave mo ng "magtrabaho ka naman"
  15. Armored Core Rosenthal Hoshige - para madagdagan ung scale model robots collection ko hahaha =p
  16. Nintendo Wii - ung guitar hero version mas ayos =p
  17. Office chair na comfy - sa PC DEPOT sa sta lucia mall sa dulo sa 3rd floor, meron tinitinda dun na manager's chair, 2500php lang =p
  18. body kits o kaya mags o kaya airbrush para sa honda jazz/city - aangkinin ko na kasi ung isa dun sa 2 na yun.
  19. one year supply ng FRUITAS fruit shakes / salads - ewan ko kung paano ito hahahaha
  20. mas malaking kwarto o kaya e Condo o kaya e sarili kong LOTE - ansikip kasi ng kwarto ko, andami ko kasing gamit -__-;
  21. goose down na unan - lintek ansarap matulog pag ganun ang unan! =p
  22. tuition para sa MS PROJECT classes sa MICROCADD - para makickback ko ung ibibigay na pang tuition ng opis. hahaha =p
  23. bagong swiss knife - wala lang, useful e.
  24. super comfy super soft bathrobe at towel combination - wala kasi kong ganito hahaha e lagi ko naman nakakalimutan twing nag shoshopping ako ng damit haha
so ayan lang naman, 24 items para sa 24th bday.

taena ang tanda ko na. pero ayos lang un, panahon na para magpaka-seryoso.

e ung mga regalo naman e hindi naman requirement, trip ko lang ilista, baka gawin kong goals =p sa ngayon kasi e wala pa talaga akong naka-set sa isip na kelangang bilhin na gamit...sa kasalukuyan e ako'y kuntento at masaya =)

0 comments:

Useless Knowledge